502
rape
By

4 Chinese ginahasa ng 6 kababayan

Halos dalawang buwan dinala ang mapait na kalbaryo ng isang dalagang Chinese national sa kamay ng kanyang anim na kababayang Tsino makaraan itong halinhinang gahasain at ang apat pang kaibigan nito.

Nagpasiya na ang 24-anyos na biktima na maghain ng reklamo sa Makati City Police laban sa mga suspek.

Kaagad namang nadakip ng mga tauhan ni Police Col Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police ang isa sa anim na suspek na nakilalang si Xiao Ming Wei, nasa hustong gulang sa kanyang tinutuluyang maliit na hotel sa Dela Rosa St., Ayala Southbound, Legaspi Village nang nasabing lungsod habang tinutugis pa ang lima niyang kasamahan.

Batay sa reklamo ng biktimang itinago sa pangalang “Lucy”, nagtatrabaho bilang waitress, kasama niyang naglalakad ang apat pang kababayang Chinese noong Setyembre 9 ng dakong alas-3 ng madaling-araw sa bisinidad ng Okada Casino Resort and Hotel sa Parañaque City nang bigla silang harangin ng anim na kababayan sa pangunguna ni Xiao.

Naunahan umano ng takot ang mga biktima nang paligiran sila ng mga suspek bago puwersahang isinakay sila sa isang van.

Aniya, dinala umano sila ng kanilang mga kababayang suspek sa isang condominium sa Greenbelt, Ayala Center, Barangay San Lorenzo at dito ay halinhinang silang ginahasa ng anim na kababayan.

Halos dalawang buwan itinago ng biktima ang nanyaring karanasan ng biktima.

Nakawala lamang sila sa kamay ng mga suspek nang sabay sabay na umalis ang mga ito.

Sinabi ng Lucy, nagbanta umano ang mga suspek na may mangyayaring masama sa kanila kapag nagsumbong sila sa mga awtoridad kaya’t ipinasiya nilang manahimik at sarilinin ang dinanas sa kamay ng kanilang mga kababayan.

Aniya, laging nagbabalik sa alaala niya ang kahayupang dinanas sa kamay ng mga kababayan na nagpasasa nang husto sa kanyang pagkababae kaya’t ipinasiya na niyang maglakas-loob na magsuplong sa pulisya.

Ayon namay kay Makati Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) Police SMSgt, Joann Baldos na may hawak ng kaso, kasong forcible abduction at rape ang direktang isinampa sa piskalya laban kay Xiao at sa mga nakakalaya pang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?