10
3 Badjao huli sa pagpatay sa pawikan
Oct 30, 2020 @ 21:33
By

4 Chinese, 2 Pinoy arestado sa kidnapping

Hinuli ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na Chinese kasama ang dalawang Pinoy matapos ireklamo ang mga ito sa pag-kidnap.

Kinilala ng NBI ang mga inaresto na sina Jiang Zhi Chao, Han Yong, Shi Qui, Zhao Jian Wei, Christopher Belarmino at Darnel Volante.

Ayon sa ahensya, nireklamo ang mga suspek ng isa umanong na-kidnap ng mga ito, kung saan tinuro ang isang bahay sa Brgy. Talon Dos, Las Pinas City na pinagdalhan umano sa kanya.

Sa nasabing bahay, nakumpiska ang ilang baril, bala posas at iba pang dokumento.

Nasagip din ng awtoridad ang isang Chinese na kinulong umano sa naturang bahay ng lampas isang linggo.

Saad ng Chinese, nagtrabaho siya sa isang online gambling company, ngunit nag-resign siya dahil sa baba ng sweldo.

Nang magpaalam siya sa kanyang boss ay hiningan siya ng P240,000 para sa kanyang passport, at nang hindi mabigay ang pera ay dinetine umano siya sa naturang bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?