9

Sep 19, 2020 @ 16:18
By

4 buwang sanggol pumanaw sa COVID-19

Isang sanggol na babae na apat na buwang gulang ang namatay dahil sa coronavirus disease sa Occidental Mindoro.

Ayon sa ulat, ang sanggol ang ika-63 kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Wala raw itong travel history at exposure sa COVID-19 carrier.

Nagkaubo ang sanggol at nahirapang huminga, at dinala sa ospital noong gabi ng September 11.

Pumanaw siya makalipas ang ilang oras noong 12.

Sa isang swab test nakumpirmang may COVID-19 ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?