33

By

4 bigtime drug pusher swak sa P54K shabu

Swak sa piitan ang apat na umano’y bigtime drug pusher matapos na matiktikan ng mga awtoridad at ikasa laban sa kanila ang buy bust operation sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya.

Kinilala ni Acting Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Colonel Ronnie Montejo ang mga naaresto na sina Renato Sabino, 35; Russel Santillan, 30; Kimberly Simeon, 27, pawang residente ng Caloocan City, at Mirasol Armea, 25, ng Brgy. Unang Sigaw, Balintawak.

Batay sa report ni Novaliches Police Station (PS 4) na pinamumunuan ni PLt. Col. Rossel Cejas, ang mga suspek ay nadakip bandang alas-5:00 ng hapon (November 12) sa Quirino Hi-way corner M Pascual St., Brgy. Baesa, ng nasabing lungsod.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang mga awtoridad sa talamak na pagbebenta ng mga suspek ng iligal na droga kaya agad na isinailalim ang mga ito sa ‘surveillance’ at nang magpositibo ay agad na ikinasa ang buy-bust laban sa kanila.

Nakumpiska sa mga suspek ang (3) sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P54,400, buy-bust money, (2) cellular phones at tricycle na may body No. EBB TODA na ginamit ng mga ito sa pagdeliber ng iligal na droga.

Samantala, sa patuloy na operasyon ng QCPD ay 17 pang drug suspect ang nabitbit at ang mga ito ay nakilalang sina Armando Avila, 30; Ramy Escanilla, 42; Walter Tomelden, 40; Rachelle Romualdo, 33; Christian Angelo Moreno, 26; Marjorie Veloso, 18; Orlando Areñola, 44; Unicio Quiñahan, 52; Joel Dabalos, 43; Liza Masucol, 48; Joan Medina, 28; 17-anyos na binatilyo; Jeric Dela Cruz, 35; Armando Cales, 34; Ludovico Lagda, 18; Manolito Leonardo, 53 at Alvin Sunga, 47.

Ang mga nadakip ay kasalukuyang nakapiit sa QCPD headquarters habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 or The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang ang minor ay inilipat sa QC-Social Services Development Department (SSDD).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?