527

Oct 31, 2017 @ 17:14

4 bahay natupok ng sunog sa Taguig

Sinisiyasat pa ang ugat ng sunog na tumupok sa apat na bahay sa Taguig City kahapon ng madaling araw.

Base sa ulat, alas-2 nang magsimulang kumalat ang apoy sa bahay ni Cristina dela Pena sa Daang Hari st., Barangay Tuktukan.

Dahil gawa lang sa light materials ang tatlong katabing bahay ay mabilis na kumalat ang apoy.

Lumipas pa ang isang oras bago naapula ang sunog at umabot pa ito sa ikalawang alarma.

Nahirapan ang mga bumbero na mapasok ang lugar dahil ang mga bahay ay nasa eskinita.

Hindi pa alam ang halaga ng mga ari-arian na natupok at wala naman nasaktan sa insidente. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?