175

Jan 2, 2018 @ 12:44

4 armadong lalaki pinasok ang hotel sa Pasay, P1.5-M natangay

Apat na armadong kalalakihan ang pumasok sa isang hotel sa Pasay City kung saan hinoldap ang ilang guest nito kabilang ang isang overseas Filipino worker.

Nangyari ang insidente sa Mabuhay Manor Hotel na matatagpuan sa F.B. Harrison sa Pasay City dakong alas-3 ng umaga.

Tinangay umano ng mga suspek ang P53,000 cash mula sa front desk ng hotel.

Kinuha din ng mga suspek ang $15,800 mula sa guest ng hotel na si Dominador Castro, isang OFW.

Tinangay din ng mga suspek ang gadget ni Castro na nagkakahalaga ng $7,000, Rolex watch na nagkakahalaga ng $13,000 at mga alahas na nagkakahalaga ng $29,950.

Kinuha din ng mga suspek P50,000 na halaga ng pera at kagamitan mula sa isa pang guest na si Josie Castro Tadoy.

Sa kabuuhan, tinatayang mahigit sa P1.5 milyon ang nakulimbat ng mga suspek

Tumakas ang mga suspek gamit ang itim na Hyundai Starex patungong Roxas Boulevard.

Hindi naman pinasok ng mga suspek ang kuwarto ng hotel kung saan may 50 guests ng oras na iyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?