drugs
By

4 arestado sa shabu session sa QC

Sharing is caring!

Arestado ang apat na drug personality matapos na matiyempuhan na nagpa-pot session sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ng QCPD Station 4 ang mga nahuli nitong suspek na sina Jessie Togonon (34), Marilou Dela Cruz (30), Domingo Manaois (32) at Jenifer Labadora (33).

May nag-tip sa Station 4 sa ginagawang shabu session sa isang bahay sa Kabuhayan St., Brgy. Gulod, Novaliches kaya agad itong nagkasa ng anti-illegal drug operation.

Isang pulis na nagpanggap na tambay sa lugar ang nilapitan ng suspek na si togonon at inalok ng 200 pisong halaga ng shabu.

Dahil dito agad na inaresto si togonon at dinampot na din ang tatlo pa na naaktuhan na nagsa-shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang 8 plastic sachet ng hinihinalang shabu, dalawang pang walang laman na sachet pero may bakas ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?