147

By

4 arestado sa mass shootings sa New Zealand

Marami ang nasawi sa nangyaring pamamaril sa dalawang mosque sa Christchurch, New Zealand nitong Biyernes.

Ayon kay New Zealand Police Commissioner Mike Bush, apat na katao na kinabibilangan ng tatlong lalaki at isang babae ang nasa kustodiya na ng kapulisan pero hindi pa batid kung may iba pang suspek sa pamamaril.

Nangyari umano ang mass shooting sa mga mosque ng Masjid al Noor at Deans Avenue and Linwood Masjid sa Linwood.

Sari-sari umanong pampasabog ang nakita ring nakalagay sa mga sasakyan na bahagi ng naturang pag-atake.

Ayaw namang sabihin pa sa ngayon ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek pero sa kumakalat na post sa social media bago ang pag-atake, isang account na pinaniniwalaang pag-aari ng isa sa mga suspek ang nag-post ng link ng 87-page manifesto na puno ng anti-immigrant, anti-Muslim ideas at paliwanag sa pang-aatake.

Hindi naman pirmado ng sinuman ang naturang manifesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?