96

Jan 1, 2018 @ 13:01
By

4 arestado sa indiscriminate firing

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang apat na lalaki sa Southern Metro Manila na pawang naghambog na magpaputok ng baril sa pagsalubong ng bagong taon.

Sa ulat kay Chief Supt. Tomas Apolinario, director ng Southern Police District, dinakip sa New Lower Bicutan sa Taguig City sina Ret. Staff Sgt. Jamael Mindalano at Cpl. Richard John Quijano.

Retirado na mula sa Philippine Army (PA) si Mindalano habang nasa aktibong serbisyo sa Philippine Army at nakatalaga sa Special Operations Command ng Light Reaction Regiment ng Armed Forces of the Philippnes (AFP) si Quijano.

Nagsuplong laban sa dalawa ang kanilang kapitbahay na dinaplisan sa tiyan ng bullet shrapnel.

Narekober ng mga awtoridad ang dalawang calibre .45 ng baril, isang 9 mm pistol, isang .38 revolver at bala ng mga ito.

Kakasuhan sila para sa indiscriminate firing, alarm and scandal, illegal possession of firearms and ammunitions, physical injury, direct assault, resisting arrest at serious disobedience.

Samantala, ayon pa rink ay Apolinario, dinakip dahil din sa indiscriminate firing si Police Offcer 3 Roy Rafer na nakatalaga sa Police Community Precinct 6 sa Las Pinas City. Kinumpiska ang 9mm baril nito.

Nagpaputok din umano ng baril ang company driver sa Cembo, Makati na nakilala sa pangalang Federico Alcala, sibilyan, 54 anyos. Nakumpiska rito ang kalibre .45 baril. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?