226

Dec 25, 2017 @ 14:40
By

4 arestado sa indiscriminate firing – PNP

Arestado ang apat na katao matapos na mahuling iligal nagpapaputok ng kanilang baril sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Batay sa monitoring ng Philippine National Police sa pamamagitan ng kanilang Ligtas Paskuhan 2017 mula December 16 hanggang ngayong araw ng Pasko.

Nakapagtala sila ng anim na insidente ng illegal discharge of firearms.

Dalawang insidente ay naitala sa National Capital Region, isa Region 1, isa Region 3, isa sa ARMM.

Ang apat na naaresto ay isang pulis, isang Brgy Kagawad at dalawang sibilyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?