270

By

4-anyos wasak ang mukha sa grills ng condo: Hustisya kay Lucky, sigaw ng mga netizen

Sharing is caring!

Humihingi ngayon ng hustisya ang mga netizen, at pamilya ng 4-anyos na batang lalaki na namatay dahil sa kapabayaan ng mga nangangasiwa ng Azure Residences and Resorts na matatagpuan sa Barangay Marcelo Green sa Parañaque City, noong Agosto 29, 2018.

Nabatid na itinago pa sa mga mamamahayag ang kalunos-lunos na sinapit ng batang si Lucky Bukid Parana, 4-anyos, anak ng caretaker ng nasabing condo na si Salvacion Parana, kapwa residente ng No. 324 Lower Sto. Niño, Cogio, Antipolo.

Sa ipinost sa Facebook ni Salvacion, 40-anyos, nagtungo sila ng kanyang anak upang kunin ang susi mula sa unit guest na katatapos lang magcheck-out sa room 1601 Rio Building, Azure Residences at linisin ang inokupahang silid nito.

Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, nang magtapon ng basura sa labas ang ina, iniwan nito ang anak sa loob ng unit at aksidenteng nagsara ang pintuan at na-locked ang bata sa loob ng unit.

Napansin lamang ng ginang na naka-lock ang pinto at naiwan din ang susi sa loob ng unit kaya nang marinig na umiiyak na ang anak ay humingi umano siya ng tulong sa mga staff upang mabuksan ang pintuan.

Subalit dahil wala umanong duplicate key kaya pinapunta pa siya sa engineering office ng Azure Residences na humiling pa ng ayuda ng isang locksmith para mabuksan ang pinto.

Nang mabuksan ay agad na hinanap nila ang bata at laking gulat ng mga ito nang makita ang biktima na nakasubsob ang mukha sa metal grills sa ibaba ng parking lot.

Sinasabing binuksan umano ng bata ang bintana ng unit at doon dumaan na sanhi ng kanyang pagkahulog.

Mabilis na dinala ng mga guwardiya ang biktima sa sa Paranaque Doctors Hospital subalit idineklara nang patay ang bata ni Dr. Edgardo Fernandez bandang alas 2:30 ng hapon.

Nabatid na maghahain ng kaso ang pamunuan ng Parañaque Police na pinamumunuan ni P/Sr. Supt Leon Rosete laban sa mga nangangasiwa sa nasabing condo, subalit hindi rin ligtas ang ina nito at posible ring masampahan ng kaso sa nangyaring ‘freak accident’.

Galit na galit naman ang mga nagkomento sa social media gaya ni Andy Batallones-Kasuhan mo saan ka nakakita ng paupahan walang duplicate na susi para mabuksan ang pinto. “Emergency ‘yan. Dapat pasarado at pagbayarin sa pagkamatay ng anak mo. Sagutin nila lahat ng gastusin pagbayarin sa buhay na nawala sa kapabayaan nila.”

“The management of Azure failed to exercise all the diligence of a good father of a family to prevent the damage. Since, they did not forcibly open the door even they know that the same is an emergency that there is a danger in the life of the child instead they let the mother decide whether or not to force open the door. Hence they liable for civil damages,” anang hepe ng Parañaque police.

“The mother of the victim is also liable since she brought her child in her work place when she in fact know that she is working in a high rise building and that she did not choose to pay the cost of forcible entry instead she took the risk of waiting the locksmith,” dagdag pa ng opisyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?