129
4-anyos na anak sinagip ang nag-collapse na ina
Dec 22, 2019 @ 17:07
By

4-anyos na anak sinagip ang nag-collapse na ina

Kalmadong tumawag sa 911 ang isang 4-anyos na babae matapos makitang nag-collapse ang kanyang nanay sa kanilang kusina.

Kabisado ni Isla Glaser ang kanilang home address, maayos na nasagot ang tanong ng kausap na first aider, at tinaboy ang mga tuta para makadaan ang mga emergency responder.

Kaya naman, naligtas ang nanay nitong si Haley.

Nasa trabaho kasi ang tatay at kasama ni Isla sa kanilang bahay sa Franklin Township, New Jersey ang mga kapatid niyang edad 2 at 1.

Dahil sa mabilis na pag-iisip sa emergency, kinilalang bayani si Isla ng Franklin Township Police Department. Ginawaran siya ng badge bilang honorary police officer at certificate of commendation.

“I know adults that cannot handle that kind of incident with that much bravery, poise, and distinction,” ani Lt. Philip Rizzo ng Franklin Township Police Department sa isang news conference.

“For that, this young lady needs to be commended,” sabi pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?