9

Jul 19, 2021 @ 18:50
By

4.7M Pinoy kumpleto na bakuna vs COVID

Umakyat na sa 4,708,073 ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna laban sa coronavirus, ayon sa Malacañang.

“As of July 18, 2021, lumampas na po ng 15 million or 15,096,261 ang total vaccines administered ayon sa national COVID-19 vaccination dashboard. Nasa 4,708,073 ang nakakumpleto na ng dalawang doses,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa online briefing nitong Lunes.

Kabilang ang 4.7 milyong katao sa 10.3 milyon na naturukan na ng unang dose.

Sabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., target ng gobyerno na mabakunahan ang pitong milyong katao sa pagtatapos ng July.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?