57

By

$4.6M bawal i-deposit ang Lucio Tan-PNB habang umaandar ang ill-gotten wealth case ni Marcos

Ginawa nang permanente ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order (TRO) na siyang pumipigil sa Sandiganbayan na mag-demand kay Lucio Tan, ang may-ari ng Philippine National Bank (PNB) na magdeposito sa gobyerno ng $4.6 million.

Ayon sa SC, saka na lamang magdedeposito ang PNB sa Landbank of the Philippines kapag naresolba na ng Sandiganbayan ang ill-gotten wealth case ng Marcos, kabilang na rito ang PNB deposit.

Sa 15-pahinang resolusyon, kinatigan ng SC First Division ang 2006 rulings na nagsasabing “procedural in nature”.

Gayunpaman, nilinaw naman ng SC na hindi pa tuluyang nawala o naubos ang salapi ng gobyerno hanggang pending pa rin ang civil forfeiture case ng mga Marcos sa korte.

“A resolution of this case will only determine whether or not PNB should comply with the directive to deposit the proceeds of the letter of credit in an interest-bearing account. Civil Case No. 07-1704-CFM, on the other hand, which will be a judgment on the merits, will determine the liability of PNB under the letter of credit,” ayon sa First Division.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?