By

4.3 magnitude na lindol umuga sa Davao Oriental

Sharing is caring!

Isang magnitude 4.3 na lindol ang yumanig sa Manay, Davao Oriental 11:59 ng gabi ng Lunes.

Ayon sa Earthquake Information no. 1 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lindol ay may lalim na 39 na kilometro sa Timog-Silangang karagatang malapit sa Manay at tectonic ang origin.

Walang nai-ulat na pinsala dulot lindol at hindi rin inaasahan ng Phivolcs na susundan ito ng mga aftershock.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?