62

Oct 19, 2018 @ 20:44
By ,

4-0 marka pipintahan ni Sanders, Defenders

Mga laro sa Linggo: (Pasig City Sports Center)

2 p.m. – GSIS vs PITC

3:30 p.m. – Agriculture vs Judiciary

5 p.m. – PNP vs Senate

Group A: Senate (3-0), AFP (3-0), DOJ (1-1), PNP (1-2), GSIS (1-2), PITC (0-3)

Group B: NHA (3-0), Malacañang-PSC (2-1), DA (2-1), PhilHealth (2-2), Judiciary (0-2), Ombudsman (0-3)

Pahabain sa apat na dikit na panalo ang pakay ng defending champion Senate Defenders sa pagbangga sa Philippine National Police Responders sa darating na Linggo sa pagpapatuloy ng 7th UNTV Cup sa Pasig City Sports Center.

Balak sundan ng Defenders ang 87-72 paggiba sa Department of Justice Boosters noong nagdaang Linggo sa pakikipagtipan sa Responders bandang alas-singko ng hapon.

Nakikita ni Senate coach Mike Fermin ang isang maganda at mahigpit na laban kontra Responders na umangat ang 1-2 win-loss record.

Muling tatrangko sa opena ng Senate ang dating PBA player na si Jeff Sanders katulong si Garry Sevilla. Tiyak ding aalalay sina Senador Joel Villanueva at Sonny Angara para tapatan ang PNP na sasandal kina dating University of the East player Olan Omiping at ABL veteran Harold Sta. Maria.

Umaasa naman ang two-time champion Judiciary na makasikwat ng panalo sa Group B eliminations. Susuwagin nila ang Department of Agriculture, habang magkakabangaan naman ang PITC at GSIS sa Group A match.

Sina dating PBA player Chester Tolomia at Warren Ybanez ay kailangan iaangat ang laro para i-inspire ang kanilang tropa para sa masikwat nito ang kanilang unang laro.

Pero kailangan nilang harapin ang Zaldy Realubit-mentored Foods Masters na pamumunuan ni dating UST star Emerson Oreta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?