82

By

3X3 squad, lumpo agad sa Asiad

Sharing is caring!

Hindi pa man nakapaglaro ay bigo na ang Pilipinas matapos magdesisyon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na hindi na ipadala ang 3X3 men’s basketball team at ‘di pa rin napipinalisa ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pinal na listahan ng delegasyon ng bansa na sasabak sa 18th Asian Games sa Palembang at Jakarta, Indonesia sa Agosto.

Kinumpirma ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) Executive Director Sonny Barrios sa pahayag nito sa isang radio station ang kawalan ng maisasaling koponan sa men’s 3X3 team sa Asian Games simula Agosto 18 – Setyembre 2
Ito ang unang pagkakataon na isasagawa ang sikat agad na 3X3 basketball competition sa Asiad na nilimitahan lang sa mga manlalaro na edad 18-anyos hanggang 23.

Nauna nang nagpasabi ang SBP sa binuong Asian Games Task Force na makakapagpadala ito ng mga manlalaro partikular na ang koponan na isinabak nito sa sa bansa na FIBA 3X3 World Cup subalit ikinagulat ang pagkakaroon ng age limit sa event.

Posible na mahiram ng SBP ang mga Gilas cadet players tulad nina Isaac Go, Thirdy Ravena at Arvin Tolentino pero inaasahang mahihirapan itong mapapayag ang Universities Athletics Assocation of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) para maglaro sa Asiad.

Ito ay dahil ang mga laro sa Asian Games 3X3 competition ay direktang sasabay sa iskedyul ng UAAP at NCAA basketball tournament. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?