67

By

3×3 baller mula New Zealand nasasabik kay Terrence Romeo

Sharing is caring!

Nasaan si Romeo?

‘Yan ang tanong ng mga basketbolistang kalahok sa FIBA 3×3 World Cup na patuloy pa ring dumidribol sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Marami nang pinabilib ang TNT superstar na si Terrence Romeo sa kanyang kakaibang liksi at crossover moves hindi lang sa PBA kundi pati sa international stage.

Partikular na si Kiwi baller Everard Bartlett, parte ng New Zealand team na napahanga sa 26-anyos na si Romeo nang makaharap sa 2016 Olympics qualifiers.

“I remember the crowd going nuts every time Terrence Romeo put the moves on someone,” ayon kay Bartlett sa panayam ng Philippine Star.

Kaya naman nagtaka ang 32-anyos nang hindi masilayan si ‘The Bro’.

“I loved Manila the first time. You see the passion for the game. I am surprised Terrence Romeo is not on the 3×3 team,” dagdag pa niya.

Parte ngayon si Bartlett ng 3×3 team ng NZ at tuwang-tuwa sa suporta ng Pinoy fans kahit sila ay banyaga. (Ray Mark Patriarca)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?