16

By ,

3rd win brinaso ni Maraño para sa F2

Sharing is caring!

Pinalo ng F2 Logistics Cargo Movers ang ikatlong sunod na panalo sa Philippine Superliga All-Filipino Conference nang lampasuhin ang Cocolife Asset Managers, 25-13, 25-16, 25-8, Huwebes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Angat sa 3-0 marka ang Cargo Movers samantalang wala pang naipapanalo ang Asset Managers sa tatlong asignatura.

Nanguna para sa F2 Logistics si Aby Maraño na may 16 na puntos sa likod ng 10 attacks at tigatlong blocks at aces.

“Sa tingin ko maturity talaga, kasi kapag matured ka na alam mo kung paano mo kokontrolin ang laro mo sa loob ng court at the same marunong ka rin magbasa ng kalaban during transition,” wika ni Maraño.

Inamin din ni Maraño na talagang pinaghandaan nila ang bagong recruit na si Kalei Mau, na inilarawan ng ilang fan ng PSL na isang halimaw sa court.

“Siguro 70 percent siya talaga ‘yung ina-eye namin kasi siya ang magiging number one source ng score nila. Maganda siyang maglaro, matalino, madepensa, powerful mag-spike, so kami inaral namin siya ng mabuti,” sabi nito.

Bagama’t nakatuon aniya ang pansin nila kay Mau ay hindi pa rin aniya hinayaan maging pabaya sila kontra Cocolife dahil mataas din ang respeto nito sa tropa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?