dict
By

3rd telco player matutuloy na sa Agosto – DICT

Sharing is caring!

Konting panahon na lamang ang hihintayin ng mga Pilipino para sa pagdating ng ikatlong Telecommunications player sa bansa.

Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Officer-in-Charge Eliseo Rio Jr. ginagawa na ang lahat ng mga hakbang para magkaroon ng 3rd Telco sa buwan ng Agosto.

Makakaasa aniyang ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan para matupad ang ipinangako ng gobyerno na magpasok ng 3rd player sa Pilipinas at para makapagbigay ng masinsinang kumpetisyon.

“Ang best efforts namin mga end of August mayroon na tayong 3rd telco, this year. Makakasigurado tayo diyan.. Talagang we are doing our best, tinutulungan na tayo ng oversight committee,” ani Rio.

Kinumpirma rin ng opisyal na araw -araw silang nakakatanggap ng maraming reklamo kaugnay sa palpak na serbisyo ng Globe at Smart kaya tinutugunan na nila ang mga ito.

“Halos araw-araw ay maroon kaming natatanggap sa social media at sinisita kami sa hindi magandang serbisyo ng dalawang telco. We are just ensuring na talaga yung 3rd telco ay makapagbigay ng masinsinang competition. Ito ho ay matagal ng clamor,” dagdag pa ni Rio.

Matatandaang unang ipinangako ng gobyerno na magkakaroon ng 3rd telco player sa unang quarter ng 2018 subalit hindi naabot ang target.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?