312

Jul 23, 2018 @ 12:55
By

3rd Regular Session ng Kongreso, nagbukas na

Binuksan ni Speaker Pantaleon Alvarez ang 3rd Regular Session ng 17th Congress sa gitna ng ugong na patatalsikin ito bilang pinuno ng Kamara.

Sa kanyang talumpati, inisa-isa ni Alvarez ang mga nagawa ng Kongreso sa nakalipas na 1st at 2nd regular sessions kung saan umabot sa kabuuang 2,929 ang naiprosesong panukalang batas at 132 ang naisabatas.

Pinasalamatan naman nito ang masisipag na mga miyembro ng bicameral conference committee partikular si House Majority Leader Rodolfo Fariñas sa trabaho ng mga ito para matapos ang Bangsamoro Organic Law na ipiprisinta kay Pangulong Rodrigo Duterte mamaya.

Ayon kay Alvarez, marami pa silang trabaho na dapat harapin ngayong 3rd regular session kabilang na ang amyenda sa 1987 Constitution.

271 ang bilang ng mga kongresistang dumalo sa unang araw ng sesyon ng Kongreso bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte mamayang alas-kuwatro ng hapon.

Samantala, muling lumutang ang pangalan ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na siya umanong papalit kay Alvarez bilang Speaker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?