45

By

3rd PH Int’l Open gumulong na – Coo

Gumulong na ngayong Sabado ang 3rd Philippine International Open 2019 na idinadaos sa Coronado Lanes Starmall, Mandaluyong at magtatapos sa June 16.

Ang kumpetisyon ay bubuuin ng tig-anim na dibisyon sa Men’s at Women’s Open, Graded, Associate, Youth Open,16 & Under at Senior.

Makikipagtasahan ng galing ang Pinoy national keglers sa ilang makakaribal sa parating na 2019 Southeast Asian Games.

Ang kumpetisyon ay magiging sukatan kung gaano na kahanda ang Philippine bowlers sa biennial event.

“Ito ay isang test event para sa darating na SEA Games. Dito makikita ang kakayahan ng mga player natin side by side sa magiging kalaban nila sa darating na SEAG. Para naman sa Phlippine Bowling Federation, malalaman namin kung may iba pang dapat ayusin para sa hosting ng bowling this coming December,” saad ni PBF secretary general Bong Coo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?