88

Aug 1, 2021 @ 17:03
By

3M Moderna vaccine parating sa bansa – Dizon

Darating sa bansa ngayong linggo ang nasa tatlong milyong bakunang Moderna mula sa US, ayon kay Secretary Vince Dizon.

Ani Dizon, ang mga ito ay donasyon ng US sa Pilipinas.

“Merong padating na three million na Moderna sa Tuesday galing sa US. Nagpapasalamat tayo sa gobyerno ng US para doon,” saad ni Dizon sa panayam ng TeleRadyo.

“Kailangan nating magpabakuna dahil epektibo ang bakuna,” dagdag pa niya.

Kaya naman sa muling pagsasailalim ng Metro Manila sa ECQ ay diniin ni Dizon ang halaga ng pagpapabakuna sa gitna ng quarantine restriction.

“Gamitin natin itong panahon ng ECQ na mag-test, mag-isolate, at para magbakuna,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?