104

Apr 16, 2020 @ 12:46
By

3M mahihirap libre sa singil ng kuryente

Malilibre sa pagbabayad ng kuryente ang nasa tatlong milyong mahihirap na nasa listahan ng “lifeline consumers” na kumukonsumo lamang ng mas mababa sa 50 kilowatts per hour mula Marso hanggang Abril 2020.

Ito ang hinayag ni Cabinet Secretary at Inter-agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases spokesperson Karlo Nograles, na target nilang tulungan ang nasa tatlong milyong mahihirap na consumer sa ilalim ng programang “Pantawid Liwanag.”

Bukod sa libreng konsumo ay magkakaroon pa ng hirit na isang buwang palugit sa pagbabayad ng kuryente sa mga electric cooperative sa Luzon, Visayas at Mindanao, sa tulong ng National Electrification Administration at mga electric cooperative bilang kanilang ambag at tulong sa mga mahihirap ngayong may COVID-19 pandemic.

https://www.youtube.com/watch?v=cqKHSvuDCss
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?