25

Nov 25, 2021 @ 18:32
By

3M AstraZeneca vaccine bumuhos sa ‘Pinas

Mahigit tatlong milyon pang AstraZeneca COVID-19 vaccine ang dumating sa Pilipinas ngayong Huwebes.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, natanggap ng bansa ang 3,191,040 dose ng AstraZeneca vaccine na donasyon ng gobyerno ng United Kingdom sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Lumapag ang shipment sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ng alas-4:03 ng hapon.

Sa ngayon, nasa 138 milyong dose na ng COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?