7

Sep 29, 2020 @ 15:18
By

3K OFW sa Qatar COVID-positive

3,052 overseas Filipino worker (OFW) na sa Qatar ang nagpositibo sa coronavirus disease.

Ayon ito sa Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Martes.

Sabi pa ng DOLE, inulat din ng Philippine Overseas Labor and Employment Office (POLO) sa Qatar na kabilang sa bilang ang 17 ginupo ng COVID-19 sa nasabing bansa sa Middle East.

Batay naman sa huling datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang kabuuang dami ng mga overseas Pinoy na nahawa sa COVID-19 ay umakyat na sa 10,467.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?