20
Eduardo Ano
Oct 5, 2017 @ 15:30

3K China-made assault rifles, gagamitin sa war on drugs

Mapupunta sa special unit ng Philippine National Police ang 3,000 M4 rifle na ibinigay ng China sa Armed Forces of the Philippines.

Ito  ang inihayag ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año matapos ang ginawang hand over ceremony ng mga armas na ito sa Camp Aguinaldo kahapon.

Naniniwala si General Ano na malaki ang maitutulong ng mga armas na ito sa mga operasyon kontra iligal na droga ng PNP.

Bukod sa tatlong libong mga M4 rifle mapupunta rin sa PNP ang tatlong milyong rounds ng assorted ammunitions.

“Hindi naman ito ibibigay sa mga ordinaryong policeman e, ito ay ibibigay sa mga special units with special functions” sinabi ni Año

Ang matitira lamang sa AFP ay ang 90 sets ng sniper scope na malaking tulong daw sa operasyon ng militar laban sa mga terorista. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?