36

By

398 loose firearms isinuko sa Oriental Mindoro

Sharing is caring!

Ibinigay na ng mga pribadong indibiduwal, local government unit officials (LGUs) at politiko ang 398 na mga baril na walang lisensiya sa Oriental Mindoro.

Ayon kay Philippine National Police-MIMAROPA Spokesperson Supt. Imelda Tolentino, isinuko ng mga may-ari ang kanilang mga armas sa isinagawang Oplan Katok ng PNP Oriental Mindoro mula noong Pebrero 2018 hanggang ngayong araw.

Sa 398 na mga walang lisensiyang baril, 115 dito ay high-powered habang 283 naman ang low-powered firearms.

Ang Bansud, Naujan at Bongabong Municipal Police Station sa Oriental Mindoro ang nakapagtala ng pinakamaraming mga baril na isinuko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?