20
kulong

393 tiklo sa EPD crime ops

Umaabot sa 393 mga pasaway ang nahuli ng pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District (EPD) sa mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal sa ikinasang magdamagang operasyon na nagtapos kaninang umaga.

Ayon kay EPD District Director Bernabe Balba, patuloy ang pagsasagawa ng simultaneous anti-crime law enforcement operation ng mga pulisya na sakop ng mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan upang tuluyang masawata ang mga pasaway na residente.

Batay sa report, 7 katao ang nahuli sa paglabag sa drinking in public, nasa 41 ang arestado sa smoking ban, 7 katao ang huli sa kasong half naked, 10 ang nahuling kabataan na pagala-gala sa kalsada at nasa 328 ang nahuli pa sa iba pang paglabag sa mga lokal na ordinansa.

Sa kabuuan, nasa 181 ang nahuli sa Pasig City, 101 ang arestado ng Mandaluyong Police, nasa 48 ang nahuli sa Marikina habang nasa 63 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?