5

Aug 9, 2020 @ 18:02
By

39 Pinoy abroad dagdag sa COVID positive

Umabot na sa 9,754 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy abroad matapos na madagdagan ng 39 ang bilang nitong Linggo.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, 3,263 dito ay kasalukuyan pang ginagamot.

Samantala, 23 naman ang bagong gumaling sa virus, dahilan para sumirit ang bilang ng mga nakarekober sa 5,783.

Nanatili naman sa 708 ang death toll matapos na walang mapaulat na bagong nasawi sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?