80

Dec 9, 2017 @ 15:34
By

39 paaralan sa Marawi, excited na sa Brigada Eskwela

Excited na ang may 22,714 estudyante at 1,411 guro sa isasagawang Brigada Eskwela sa Marawi (BESM) sa Disyembre 13 matapos matiyak ng Department of Education ang total damages ng mga nasirang paaralan sa Islamic City.

Una nang binisita ng mga opisyal, engineers, at staff ng DepEd ang mga nasirang 39 paaralan sa Marawi City kasabay ng pag-assess sa mga nasirang istruktura at mga gamit para sa pagbubukas ng klase sa Marawi.

Ayon dito, minor repairs lamang ang magagawa sa Brigada Eskwela habang ang pondo para sa major repairs ay ilalaan sa ilalim ng DepEd’s Basic Education Facilities Fund (BEFF).

Sa 39 paaralan na na-evaluate ng mga engineers, nasa 14 paaralan ang nagbukas na at sila ang makakasama sa first round ng Brigada Eskwela sa Marawi program na nasabing petsa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?