25

Mar 6, 2021 @ 16:52
By

39% ng estudyante malakas internet connection – survey

Lumabas sa isang survey ng Social Weather Stations (SWS) na 39% lamang ng mga mag-aaral sa online distance learning (ODL) ang may lakas na internet connection.

Ayon sa ulat ng GMA News, 31 porsiyento ng mga pamilyang may anak na kasalukuyang nasa ODL ang may mahinang internet connect samantalang 21 porsyento naman ang nakararanas ng katamtamang hina.

Bukod dito, nakapagtala rin ang SWS ng 9 porsiyentong nagsasabing lubhang mahina ang internet connection nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?