40

By

39 kabahayan sa lote ng MWSS, winasak

Sharing is caring!

Tuluyan nang giniba ang 39 na kabahayan kung saan 150 pamilya ang naninirahan matapos magkaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga residente at demolition team sa Pag-asa Compound, Barangay Old Balara, Quezon City.

Nang dumating ang demolition team ay hinarang ang mga ito ng mga galit na galit na residente, nagka-girian at nagkaroon ng palitan ng maaanghang na salita at naawat lamang ang mga ito sa tulong ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) na nakadeploy sa lugar.

Armado ng mga maso at bareta ang demolition team at isa-isang giniba ang 39 na kabahayan.

Ayon sa mga residente, wala man lamang abiso at wala ring relokasyon na ibinigay sa kanila kaya labag umano sa batas ang ginawang pagdemolis sa kani-kanilang mga tahanan.

Anila, kasalukuyan pang dinidinig sa korte ang isyu ng pagmamay-ari ng lupa kaya hindi pa dapat magkaroon ng demolisyon.

Sinasabing ang kontrobersiyal na lote sa Barangay Old Balara ay pag-aari umano ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Kinukuha na ito ng MWSS para sa kanilang expansion project na tinututulan naman ng mga residente na sinasabing 25-taong nang naninirahan sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }