39

Apr 26, 2021 @ 17:44
By

38M COVID bakuna mula India parating sa ‘Pinas

Nasa 38 milyong dose ng mga Indian-made coronavirus vaccine ang nakatakdang dumating sa bansa.

Sabi ni Philippine Ambassador to the Republic of India Ramon Bagatsing Jr., sa Setyembre inaasahang darating ang may 30 milyong dose ng Novavax, na mayroong 81% efficacy rate laban sa COVID-19.

Maliban sa Novavax, ani Bagatsing, walong milyong dose rin ng Covaxin ang naka-schedule dumating sa Mayo.

“30 million doses siguro mga September ito, ito ‘yung tie up ng Serum (Institute of India) with the company Novavax of Maryland USA, brand name will be Covavax,” lahad ni Bagatsing sa panayam sa TeleRadyo ngayong Lunes.

“Next month may mga eight million din doses siguro, ang pangalan niyan Covaxin,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?