loose-firearms
By

389 loose firearms nasabat sa Nueva Ecija

Sharing is caring!

Umaabot sa 389 mga loose firearms ang kusang isinuko ng mga nagmamay-ari ng baril bilang pagtalima sa election gun ban para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Nueva Ecija.

Ayon kay Police Regional Officer 3 Director C/Supt. Amador V. Corpus, nasa kustodiya ng Police Provincial Office (PPO) ang mga nakumpiskang armas kasabay ng pagsabing hindi lamang doble kundi triple ang kanilang gagawing pagtatrabaho para masigurong maayos ang seguridad sa magaganap na halalan sa May 14.

Nagsimula ang pagpapatupad ng gun ban sa buong bansa noong April 14 hanggang sa pagsapit ng halalan.

Kasabay nito, patuloy na nagpapaalala ang kapulisan na maagang i-surrender na ang mga baril o sa mga gun owners na nabigong mag-renew ng kanilang license to carry firearms upang hindi na makasuhan pa.

Ang mga isinukong baril ay nasa PPO habang mayroong anim pang nakumpiska sa nagaganap na police operations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?