494

Sep 29, 2018 @ 16:43
By

384 sawi sa hagupit ng tsunami, lindol sa Indonesia

Pinulbos ng isang 10-foot tsunami at magnitude 7.5 na lindol ang kabahayan at isang pangunahing tulay sa dalawang lungsod sa Indonesia nitong Sabado, Setyembre 29.

Saad ni Disaster agency spokesman Sutopo Purwo Nugroho, 384 na ang tinatayang namatay sa lungsod ng Palu, na kasalukuyang may ginagawang beach festival sa nasabing lugar.

380,000 ang populasyon sa Palu, Indonesia, matapos ang aftermath ng tsunami at lindol ay nagkalat ang mga bangkay na tinabingan ng tarpaulin, maging ang ilang mosque, kabahayan, at isang mall na nadurog sa lindol.

Sa lungsod naman ng Donggala, isang tulay ang nag-collapse dahil sa lindol kayat pahirapan ang rescue mission sa abot 300,000 kataong maaaring naapektuhan ng trahedya.

Dagdag pa rito ang naputol na mga linya ng kuryente at telecommunication na dagdag sa pasakit ng mga rescuer.

Nag-utos na ang presidente ng Indonesia na si Joko ‘Jokowi’ Widodo sa security minister na tulungan ang mga natamaan ng kalamidad, partikular sa central Sulawesi.

Handa naman umanong tumulong ang United Nations para sa bansang nahaharap sa matinding trahedya.

Photo courtesy of AP/Rifki

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?