14

Jan 25, 2021 @ 12:52
By

38 close contact ng UK variant positive sa PH, sapul din ng virus

Ang ilang close contact ng mga kaso ng UK variant ng coronavirus disease sa bansa ay nagpositibo rin sa COVID-19.

Sabi ni Department of Health (DOH) Usec. Rosario Vergeire, Lunes, 34 close contact ng 12 kaso ng UK variant sa Bontoc, Mountain Province ang nahawa rin sa sakit.

Habang apat na close contact naman aniya ng isang kaso ng UK variant sa La Trinidad, Benguet ang dinapuan din ng virus.

Matatandaang inanunsyo ng DOH na 17 na ang indibidwal na na-detect na may coronavirus variant na B.1.1.7 sa bansa. Pinaniniwalaang mas nakahahawa ang COVID-19 variant na ito, na unang namataan sa United Kingdom.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?