110,830

Mar 29, 2020 @ 15:55
By

370 Pinoy mula Italy, nakauwi na sa ‘Pinas

Nakabalik na sa Pilipinas ang 370 na Pinoy mula sa tatlong cruise ship na nakadaong sa Italy nitong Sabado ng gabi.

Ang mga Pilipino ay mula sa MV Costa Luminosa sa Milan, at MV Grandiosa at MV Opera sa Rome.

Dumating ito sa nilakad na chartered flight ng Department of Foreign Affairs.

“All the 370 Filipinos underwent medical checkup and were found to be asymptomatic before they boarded the chartered airline that brought them to Manila,” saad sa pahayag ng ahensya.

Sasailalim ang 370 na Pinoy sa 14-day quarantine sa lugar na hindi sinapubliko. Ayon sa pahayag, wala namang may sintomas ng COVID-19 sa mga repatriate.

Inaasahan pa na may ilan pang repatriation ang gagawin ng DFA sa mga susunod na linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?