332

Dec 24, 2017 @ 11:06

37 pinaniniwalaang namatay sa sunog sa Davao

Mahigit sa 37 katao ang posibleng nasawi matapos ma-trap sa nasusunog na mall sa Davao City noong Sabado ng gabi.

Sa Facebook ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, sinabi diumano ng Bureau of Fire Protection commander na walang tyansa mabuhay ng 37 katao na naiwan sa NCCC Mall.

Inilagay din ni Duterte sa kanyang FB page ang listahan ng mga missing na sina:

1. Jessica Solis
2. Gantioco Celestial Jr
3. Ian Kiem Adlawan
4. Regine Generales
5. Christen Joy Garzon
6. Apple Jane Celades
7. Iana Apalacio
8. Jonas Basalan
9. Jim Benedict Quimsing
10. Kurtchin Angela Bangoy
11. Mary Joy Daluro
12. Randy Balcao
13. Rosyl Montanez
14. Missy Rose Artiaga
15. Analiza Penarejo
16. Christine Joy Ferraren
17. Ivan Roble
18. Christine Alviola
19. Alexandra Moreno Castillo
20. Hongijangjian
21. Desiree Gayle Zacarias
22. Jesseca Samontina
23. Mary Louielyn Bongcayao
24. Nancy Loyd Abad
25. Jeffrey Sismar
26. Johani Matundo
27. Joyne Pabelonia
28. Elyn Joy Yorsua
29. Shiela Mae Bacaling
30. Mark Entera
31. Charlyn Liwaya
32. Mikko Demafeliz
33. Roderick Antipuesto
34. Rhenzi Nova Muyco
35. Roderick Constantinopla
36. Venus Joy Kimpo
37. Janine Joy Obo

Nasunog ang apat na palapag na sa NCCC Mall noon Sabado ng umaga at nakulong ang ilang katao sa loob ng mall kabilang ang mga nagtatrabaho sa call center sa fourth floor ng nasabing gusali.

Naunang nai-report na 29 na call center agents na naiwan sa loob ng mall at hindi naapulo hanggang sa ngayon.

Tumawag pa ang ilang mga call centers agents sa kanila pamilya subalit pagkalipas ng 30 minuto ay hindi na sima makontak.

Nagsimula ang nasabing sunog dakong alas-9:30 kahapon ng umaga na nagsimula sa ikatlong palapag ng mall.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?