12
dti-marawi
By

37 negosyante sa Marawi pinautang ng DTI

Sharing is caring!

May 37 negosyante sa Marawi City ang naging benepisaryo ng pautang ng Department of Trade and Industrty (DTI).

Nakapagpalabas na ang DTI-Small Business Corp., ng P245,000 sa 24 negosyanteng Maranao at P130,000 Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3) loans sa 13 maliit na negosyo.

Sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na dinadala na nila sa Marawi City ang lahat ng kanilang microfinancing programs para muling makapagsimula at makabangon ang mga negosyanteng naapektuhan ng limang buwang digmaan.

Sa unang tatlong buwan ngayon taon, 1,000 benepisaryo ang tatanggap ng loan packages mula sa DTI.

Ang DTI ay bahagi ng Sub-Committee on Business and Livelihood ng Task Force Bangon Marawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,