102

Apr 17, 2019 @ 11:40
By

37 binatak ni Leonard, Raptors nakatabla sa Magic

Ipinakita ng Toronto Raptors kung bakit sila ang second seed sa Eastern Conference matapos hiyain ang Orlando Magic, 111-82, sa Game Two ng first-round series, Miyerkoles oras sa Pilipinas.

37 points ang ibinuhos ng Toronto star na si Kawhi Leonard, anim na puntos lang ang kulang para sa kanyang playoff career-high na 43 markers.

Bukod pa dito, nakamit din niya ang kanyang career-high sa field goal na 15 made shots, pasok ang unang subok sa basket at pitong tira lang ang namintis sa 22 field goals attempted.

Maliban kay Leonard, bumawi rin si Kyle Lowry, walang naibutas noong Game One, 22 points naman ang nagawa sa second game para umayuda kay Leonard. Samantala, naging kapaki-pakinabang din si Pascal Siakam na may 19 points at 10 rebounds.

Walang naging panama ang Magic sa pagkakataong ito, umabot pa sa 34 ang kalamangan at hindi na nakabangon sa pagkakalubog.

Para sa Magic, naglista ng 20 points si Aaron Gordon, may 15 naman si Terrence Ross.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?