46
arrested
Oct 22, 2017 @ 12:17

363 arestado sa EPD anti-criminality ops

Umabot sa 363 mga pasaway ang naaresto sa isinagawang anti-criminality operation batay sa ipinatutupad na ordinansa sa buong Eastern Police District area, kahapon.

Ayon kay Senior Supt. Romulo Sapitula, EPD District Director, patuloy ang kanilang isinasagawang anti-criminality campaign sa paghuli sa mga pasaway na kung saan ay karamihan sa mga naaresto ay paglabag sa anti-smoking at half naked.

Batay sa report, bandang alas singko kamakalawa ng hapon hanggang alas singko ng umaga sinimulan ang operasyon sa Pasig City na kung saan umabot sa 264 katao ang naaresto sa paglabag sa anti-smoking campaign, dalawa ang nalambat sa illegal gambling,  isa sa warrant of arrest, isa sa littering, 21 ang nahuling walang damit pantaas o half-naked at 13 na nahuling umiinom sa pampublikong lugar.

Umabot sa 309 katao ang nahuli sa Pasig City habang sa Mandaluyong City ay nasa 17 katao ang nalambat na kung saan ay tatlo katao ang nahuling half-naked, walong riding in tandem, lima ang nahuli sa traffic violations at isa ang nahuli sa bisa ng warrant of arrest.

Sa Marikina City, 14 katao lamang ang nahuli kabilang na dito ang tatlo sa cutting trip, isa sa kasong homicide, isang half naked at siyam na drinking in public.

Nasa 23 katao naman ang nahuli sa San Juan City na kung saan ay kasong traffic violation lamang ang asunto.

Kasalukuyang nakakulong ang mga naaresto sa detention cell habang ipinatawag ang mga magulang ng nahuling menor de edad para sa community service. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?