106

Feb 3, 2020 @ 10:52
By

360 dedo, 17K nahawa sa Wuhan coronavirus

Ngayong Lunes, nasa 362 na ang namatay habang 17,318 na ang bilang ng mga tinamaan ng novel coronavirus (2019-nCoV) sa buong mundo.

Nasa 16,600 ng mga kumpirmadong kaso ang mula sa mainland China, habang 180 ang sa ibang mga bansa.

Kahapon, Pebrero 2, naitala sa Pilipinas ang unang labas sa China na namatay dahil sa virus.

Ayon din sa mapa ng Johns Hopkins University – Center for Systems Science and Engineering (JHU CSSE), 350 sa mga nasawi at higit 11,100 kumpirmadong kaso ang galing sa Hubei province, kung nasaan ang Wuhan City na pinagmulan ng outbreak.

Dumarami na ang mga kaso ng 2019-nCoV sa Japan (20), Thailand (19), Singapore (18), Hong Kong at South Korea (15), Australia (12), at Germany at Taiwan (10).

May mga tinamaan din ng 2019-nCoV sa Amerika, Malaysia, Macau, France, Vietnam, United Arab Emirates, Canada, Italy, Russia, United Kingdom, Nepal, Cambodia, Spain, Finland, Sweden, India, Sri Lanka, at Pilipinas.

Nakokolekta ng JHU CSSE ang mga impormasyon mula sa World Health Organization, Centers for Disease Control and Prevention, National Health Commission ng People’s Republic of China, at Dingxiangyuan na isang social networking site para sa mga health care professional na nagbibigay ng real-time information sa mga kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?