104

Apr 11, 2020 @ 10:07
By

36 stranded na construction worker, tinulungang makauwi ng Ako Bicol, Escudero

Nakauwi na sa kani-kanilang pamilya ang nasa 36 na construction worker na mga taga-Sorsogon matapos ma-stranded sa Quezon province dahil sa enhanced community quarantine.

Sa tulong ng Ako Bicol party-list at ni Sorsogon Governor Chiz Escudero, nakarating na sa kani-kanilang lugar ang mga naipit na manggagawa, na ilang linggong na-stranded matapos na magsara ang kanilang construction firm na pinagtatrabahuhan sa Pagbilao, Quezon dahil sa COVID-19 pandemic.

Personal na binisita ni Ako Bicol Representative Elizaldy Co ang mga construction worker para bigyan ng mga relief goods at tulong pinansyal.

Si Co din ang nag-asikaso para makipag-ugnayan ay Escuderopara makauwi ang 36 na manggagawa, alinsunod sa striktong protocol na nilatag ng Department of Health.

Ibig sabihin ay sasailalim sa mandatory 14-day quarantine ang 36 na construction worker para masigurong ligtas sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?