8

Feb 17, 2021 @ 13:28
By

36 miyembro umano ng kulto ‘sinagip’ ng LGU

36 sa nasa 50 katao na matagal nang nananatili kagubatan sa Arakan, North Cotabato ang na-rescue umano ng lokal na gobyerno.

Tatlo naman ang pumanaw, ayon pa kay Arakan Mayor Rene Rubino.

Napaulat na sinabi ng mga lokal na ang 50 indibidwal ay mga kasapi ng isang kulto na umano’y maliligtas ng isang “Niño,” ang apo ni Leonardo Capillan.

Si Capillan ay isang 61-anyos na magsasaka na kinumbinsi ang kanyang mga kapanalig na samahan siyang mamalagi sa gubat sa Barangay Libertad. Yumao siya noong Enero 31.

Kinabukasan, Pebrero 1, nasawi rin ang 32-anyos na anak ni Capillan na si Bernardo, at ang 18-anyos na kapanalig na si Ailyn Magali.

Noong Martes, pinuntahan ni Rubino at ng mga health frontliner ng bayan ang gubat upang kumbinsihin ang mga naroon na umalis, at upang irekober ang mga labi ng tatlong namatay.

Bigong makuha ang mga bangkay dahil ang mga ito ay nasa “advanced state” na ng pagkaagnas.

Samantala, 36 residente ang nakumbinsing lumabas ng gubat at inaasikaso na ng social welfare at health offices ng Arakan LGU.

Habang higit 12 pang miyembro ng grupo ang nanatiling nagtatago sa kagubatan.

Sabi ng mga residente ng Barangay Libertad, pumunta ang grupo sa gubat para maiwasang mahawa sa COVID-19.

Joy Apostol bet ni Akihiro Blanco

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?