115

Dec 27, 2017 @ 10:56

36 biktima sa Davao City mall fire, natagpuan sa hagdanan – BFP

Kaunting hakbang na lang umano patungo sa hagdanan natagpuan ang mga labi ng mga biktima ng sunog na sumiklab sa NCCC Mall sa Davao noong Disyembre 23 na maaaring pinuntahan ng mga ito para makatakas sa apoy pero hindi na sila nakaabot.

Napahagulgol ang mga pamilya ng call center agents ng Survey Sampling International (SSI), isang Business Processing Outsourcing (BPO) company na nag-oopisina sa tuktok na palapag ng NCCC Mall, nang kumpirmahin sa kanila na 36 katawan ang narekober sa sunog at walang nabuhay.

“[It was] around 11 a.m. (December 25, 2017) when we tried to go deeper, we cannot anymore pass the alleys of SSI so we tried another way and we found them unfortunately… lifeless. We found them in the place where a few meters is already stairs, we found them at the place where a few meters is already the escalator and that is their alleys and their lobbies where they are entertaining would be applicants to join the SSI,” ani Bureau of Fire Protection (BFP 11) regional director Fire Senior Superintendent Wilberto Rico Niel A. Kwan Tiu sa SunStar.

Ayon sa pahayag na inilabas ng SSI, mayroon silang 500 na empleyado na nagtatrabaho ng iba’t ibang oras sa nasabing palapag.

Nagpaabot na ng counseling sa kanilang mga empleyado ang nasabing kumpanya at nakatakdang tumulong para sa libing ng mga biktimang namatay sa sunog.

Nagsagawa na rin sila ng kontribusyon para matulungan ang mga pamilya ng mga biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?