94

Dec 26, 2017 @ 14:15

36 biktima ng sunog sa Davao, sasailalim sa DNA testing

Sasailalim diumano DNA testing ang bangkay ng 36 na biktima ng sunog sa isang mall sa Davao City para malaman ang kanilang pagkikilanlan.

Isasagawa ang DNA testing ngayong araw na, ayon sa Bureau of Fie Protection sa Davao City.

Nauna nang inihayag ni Davao City Mayor Sara Duterte na narekober na ang lahat ng bangka noong Lunes.

Samantala, sinabi ni Fire Superintendent Joanne Vallejo, spokesperson of the Bureau of Fire Protection, sa panayam ng Unang Balita, na kanilang aalamin kung sumasailalim sa taunang fire inpection ang New City Commercial Corporation (NCCC) Mall Davao.

Hindi naman nagbigay ng impormasyon ang BFP kung ano pinagmulan ng sunog dahil patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?