ABANTE fire sunog paranaque city 36 houses

36 bahay nasunog sa Parañaque City

Sharing is caring!

Umabot sa 36 na kabahayan ang natupok ng apoy sa sunog na naganap sa Barangay San Dionisio, Parañaque City Sabado ng gabi

Ayon sa report, Super Radyo dzBB nagsimula ang sunod sa Talisay Street dakong alas-6:13 ng gabi noong Sabado at umabot sa third alarm.

Naideklara namang under control ang sunog alas-7:44 ng gabi.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasakan sa sunog na tumupok sa 36 kabahayan.

Inaalam pa ng mga fire investigators ang sanhi ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?