245

Jul 30, 2018 @ 19:55
By

36 babae, bata dinukot ng IS sa Sweida

Hawak umano ngayon ng Islamic State (IS) group ang dose-dosenang babaeng Druze at bata matapos nitong atakehin ang southern province ng Syria na Sweida.

“At least 36 Druze women and children were abducted after the attacks,” anang Syrian Observatory for Human Rights.

Batay sa Britain-based monitor at Syrian news outlet Sweida24, 20 umano rito ay babae habang 16 ang mga bata.

Noong nakaraang linggo nang maglunsad ang mga militante ng suicide attacks sa Sweida kung saan nasa 100 katao ang namatay, na karamihan ay pro-Syrian government fighters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?