5

Sep 15, 2020 @ 16:26
By

3,544 dagdag sa COVID positive sa ‘Pinas

May 3,544 bagong naitalang kaso ng COVID-19 positive sa bansa ngayong hapon. Ito na ang pangwalong sunod na araw na higit 3,000 bagong kaso ang naiuulat ng Department of Health.

Dahil dito, umakyat sa 269,407 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus sa atin, kabilang ang 57,392 active case.

690 kaso ang dumagdag sa NCR, 305 sa Cavite, 201 sa Rizal, 173 sa Negros Occidental, at 98 sa Bulacan.

Samantala, sumirit naman sa 207,352 ang bilang ng mga gumaling sa 395 naitalang new recovery.

Habang sumampa ang death toll sa 4,663 sa 34 bagong nasawi sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?